RE: Spicy Filipino Men HAIIII... BAKIT KAYA GANUN..?

Isipin mo na lng ganyan talaga ang buhay. Minsan masaya,minsan malungkot. Dapat rin nating isipin na kahit walang problema sa relasyon ng mag sing irog, pwdeng pwdeng magkasala ang isa sa dalawa. Minsan mahirap labanan ang tukso, may mga taong marurupok. May mga tao ding di marunong makunteto, kahit may karelasyon na naghahana pa rin ng someone who is better than hs or her bf or gf. Kaya kilalaning mabuti ang mga taong mamahalin, wag padalos dalos sa mga desisyon na pwdeng pagsisihan sa huli. Pag nagmahal wag din ibuhos ang buong tiwala at pagmamahal, maglaan ka para sa sarili mo para kung itoy di man mag work out, at least di mo maisipang saktan ang sarili mo dahil sa pagmamahal.

ramfck69_groups wrote:
> .
> ... nag online ako
> ... at may nakipagchat sa akin
> ... wla nman kami pinag usapan 2ngkol sa sex o kung ano pa man
> ... normal na usapan lng, kamustahan at kwentuhan sa buhay buhay
> ... sinabi ko sa kanya na kakagaling ko lng sa relasyon, sa katunayan,
> kakatapos lng ng break up nmin dis wik. (uhuhuhu)
> ... wala nman sya nabanggit tungkol sa kanya
> ... makalipas ang dalawang araw, aba, may nagsend sa kin ng message
> gamit ung account nung ka chat ko nun
> ... karelasyon nya daw ung nakachat ko, at ngaun ako ang sinusugod at
> inaaway
> ... naisip isip ko, una, di ako ung 'nakipagchat' , pangalawa, wla
> akong alam na may karelasyon ung kachat ko
> ... humingi naman ako ng tawad sa kanya. at sinabi kong di na ulit ako
> makikipagchat sa karelasyon nya.
> ... ginawa ko nman un, di na ako nagchat
> ... makalipas ang isang araw, at heto na naman at sinusugod na naman ako
> ... di ko alam kung anong problema nya, at naging personal na ang
> atake niya sa kin.
> ... di ko naman pinatulan
> ... pero nagtataka lng ako, hindi ba't dapat mas kinakausap niya ung
> karelasyon niya at hindi ako ung sinusugod niya
> ... kung may naging kasalanan naman ako sa pakikipagchat, humingi
> naman ako ng tawad, pero anung problema nya?
> ... at anung gusto niyang gawin ko?
> ... HAIIII, BAKIT KAYA GANUN?
> ****
> SA TOTOO LANG, hindi ako selosong tao, di ako ung tipong matingin lang
> sa iba ung mahal ko eh nagkukulay 'ube' na ang mukha ko sa inis... at
> ako ung taong panatag sa mahal ko,
> wala akong pake kahit pumunta xa kahit saan o gumimik sila ng kaibigan
> niya at makitulog siya sa bahay ng kaibigan niya. sabihin na nating
> ako ung kampanteng tao. di ako naiinsecure dahil nakakainis ung
> ganoon. at may tiwala ako sa mahal ko.
> SA TOTOO LANG, ito ung dahilan kung bakit kami humantong sa break up
> ng huli kong mahal, mejo nagkaproblema kasi, mejo naging maselos ang
> 'bhe' ko. nung una sinusubukan kong sagipin ung relasyon, pero di ko
> na rin kinaya nung bandang huli.
> SANA LANG, kung magmamahal tayo, magbigay tayo ng tiwala sa minamahal
> natin, at tayo sa sarili natin ay dapat maging katiwatiwala. ok lng
> makipagkaibigan, wla namang masama dun. maging 'confident' ka na hindi
> ka ipagpapalit, at hindi mo rin siya ipagpapalit.
> ISIPIN MO NA LANG, kung maghanap man siya ng iba, hindi iyon kasalanan
> ng nahanap niyang iba... ang totoong problema ay nasa inyong dalawa
> mismo, ano ang mali, bakit naghahanap siya ng iba. anong kulang
> sayo..? na nahanap niya sa iba..? kaya mu bang punuan iyon para di na
> xa maghanap ng iba..? o baka kulang lng kayo sa mabuting usapan..?
> KUMPLIKADO TALAGA pag may karelasyon, pero di natin maiiwasan, dahil
> sa bawat saya ng nagmamahalan, di maiiwasang may kakambal itong
> problema, pagsubok, na mas magpapatindi ng pagsasama ng magsing-irog. .
> AUN, TAPOS...
> ehehe, first time ko nga pala mag post ng bulletin. wala lng magawa..
> ehehehe...
> ... pero hanggang ngaun, binabagabag pa rin ako ng tanong na...
> HMMM, BAKIT KAYA GANUN?
> .
>

------------------------------------

SPICY FILIPINO MEN
http://groups.yahoo.com/group/spicypinoys

Help make Spicy Filipino Men spam-free.
Don't send useless messages advertising your products and services. Yahoo! Groups Links

<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/spicypinoys/

<*> Your email settings:
Individual Email | Traditional

<*> To change settings online go to:
http://groups.yahoo.com/group/spicypinoys/join
(Yahoo! ID required)

<*> To change settings via email:
mailto:spicypinoys-digest@yahoogroups.com
mailto:spicypinoys-fullfeatured@yahoogroups.com

<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
spicypinoys-unsubscribe@yahoogroups.com

<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/

No comments: