From: Homesick sa Gulpo <codename_sadiq08@yahoo.com>
To: codename_sadiq08@yahoo.com
Sent: Thursday, October 30, 2008 9:16:14 PM
Subject: Tol, kaibigan lang sa middle east hanap ko
Sana sa pamamagitan nito ay makatagpo ako ng mga tapat at mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Alam ko na may mga natitira pa ding matitinong tao na katulad ng sa sitwasyon ko dito sa internet. Alam ko na sugal ang ginagawa ko ngunit ito ang pinakamadaling paraan.
Tagalog na lang gamitin ko para hindi na makisawsaw ang ibang lahi. Sa dami ng nagkalat na OFW sa buong mundo, maraming dayuhan na din ang nakakaintindi ng lenggwaheng yon.
Mahirap pala talaga magpakatino at mabuhay ng matuwid lalo na kapag nasa malayo kang lugar na yong kinasanayan at malayo sa mga mahal mo sa buhay. Kahit anong paglilibang ang gawin mo sa sarili mo ay pilit mo pa din mararamdaman ang lungkot. Pawang may kulang sa buhay mo kahit masaya ka.
Kaibigan, ako ay nandirito sa gitnang silangan at handa na muling magtiwala sa karapat-dapat na tao. Mga taong katulad ng sa sitwasyon ko - kumplikado, masalimuot, ngunit sa loob ng kanyang puso'y isang tapat na tao, mapagkakatiwalaan, masayahin at mapagmahal sa kapwa.
Di ako naghahanap ng mga tao na ang habol lang ay ang makaulayaw ka kahit panandalian lang o matugunan ang kani-kaniyang pangangailangang seksuwal dahil ayoko ng balikan ang ganoong mga aktibidades lalung-lalo na ang mga mapagbalatkayo, KUNDI mga kaibigan na makakausap mo ng masinsinan, makakasama mo lumaban sa mga dagok ng buhay, at ipagmamalaki mo na kabahagi sila ng buhay mo. Yung down-to-earth at walang yabang sa katawan na pwede mo makasama pumunta ng gym, magjogging sa corniche, mamasyal sa mall, kumain sa labas, gumimik o uminom minsan sa disco o kahit na anong bagay na pareho niyong maaappreciate like pagmasdan ang kagandahan ng sunset o kasabay mong hahalakhak ng malakas. At masayang gugunitain pagdating ng araw na minsan sa buhay niyo ay nagkaroon kayo ng pagkakataon na mapasaya ang bawat isa sa simpleng pamamaraaan lang.
Sobra talagang madrama ang buhay kapag ikaw ay nasa lupang banyaga. Di mo aakalain na makakagawa ka ng mga matatalinhagang akda.
Dati na ako nadapa sa buhay ko ngunit nagpumilit na tumayo. Nakatagpo ng mga taong nagoffer ng pagkakaibigan ngunit puro pansamantala lamang. Minsan na din na nagtiwala sa maling tao na inakala ko na siyang makakaunawa sa lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan ko sa buhay. Ngunit siya palang muntik ng sumira ng buong pagkatao ko.
Matagal ng panahon ang lumipas. Unti-unti ko na din naibalik ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Pinilit kong magbago at mabuhay sa matuwid na pamamaraan at muling nakipagkapwa. Mahirap makalimutan dahil masakit ngunit kailangang ipinaubaya na lang sa nasa itaas ang mga nangyari. Madami pa din tukso ang sumasagabal ngunit pinilit ko itong mapaglabanan.
Kung ikaw kaibigan ay nasa edad 28-33 (para walang generation gap), VERY DISCREET at sa tingin mo ay magkakapalagayan tayo ng loob at kapareho ka ng situwasyon ko (dapat andito ka din sa gitnang silangan. handa kong ibigay mga detalye kapag panatag na ako na mapapagkatiwalaan kita), andito lang din ako. Usap tayo privately by sending me an e-mail to my account (codename_sadiq08@ yahoo.com) at hindi dito sa grupo.
__._,_.___
SPICY FILIPINO MEN
http://groups.yahoo.com/group/spicypinoys
Help make Spicy Filipino Men spam-free.
Don't send useless messages advertising your products and services.
Change settings via the Web (Yahoo! ID required)
Change settings via email: Switch delivery to Daily Digest | Switch to Fully Featured
Visit Your Group | Yahoo! Groups Terms of Use | Unsubscribe
__,_._,___
No comments:
Post a Comment